8Ngunit ang totoo, ang espiritu ng Makapangyarihan na nasa tao, ang siyang nagbibigay ng pang-unawa.
9Ang katandaan ay hindi garantiya ng karunungan at kaalaman kung ano ang tama.
10“Kaya pakinggan ninyo ako. Sasabihin ko ang nalalaman ko.
11Naghintay ako habang iniisip ninyo kung ano ang nararapat ninyong sabihin. Pinakinggan ko ang inyong mga katuwiran.
12Pinakinggan kong mabuti ang mga sinabi ninyo, ngunit ni isa sa inyoʼy walang nakapagpatunay na nagkasala si Job; ni hindi ninyo nasagot ang mga pangangatwiran niya.