13Huwag ninyong sasabihing, ‘Napag-alaman naming mas marunong siya. Hayaan ninyong ang Diyos ang sumagot sa kanya at hindi ang tao!’
14Kung sa akin siya nakipagtalo, hindi ko siya sasagutin na katulad ng mga sinabi ninyo.
15“Hindi na kayo makakibo ngayon at wala nang maisagot sa kanya.
16At ngayong wala na kayong maisagot, kailangan ko pa bang maghintay?
17Ako rin ay may sasabihin ayon sa nalalaman ko.