Job 36

Huwag mong kalimutang purihin ang kanyang mga ginawa gaya ng ginagawa ng iba sa kanilang pag-awit.

Job 36:24 (UKJV) Remember that you magnify his work, which men behold.

22“Alalahanin mong ang Diyos ay tunay makapangyarihan. Walang guro na katulad niya.

23Walang makapagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin, at walang makapagsasabing nagkamali siya.

24Huwag mong kalimutang purihin ang kanyang mga ginawa gaya ng ginagawa ng iba sa kanilang pag-awit.

25Nakita ng lahat ng tao ang kanyang mga gawa, kahit tinitingnan ito mula sa malayo.

26Tunay na makapangyarihan ang Diyos at hinding-hindi natin kayang unawain ang kanyang kadakilaan. Kahit ang kanyang mga taon ay hindi natin mabibilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.