Job 36

Tunay na makapangyarihan ang Diyos at hinding-hindi natin kayang unawain ang kanyang kadakilaan. Kahit ang kanyang mga taon ay hindi natin mabibilang.

Job 36:26 (UKJV) Behold, God is great, and we know him not, neither can the number of his years be searched out.

24Huwag mong kalimutang purihin ang kanyang mga ginawa gaya ng ginagawa ng iba sa kanilang pag-awit.

25Nakita ng lahat ng tao ang kanyang mga gawa, kahit tinitingnan ito mula sa malayo.

26Tunay na makapangyarihan ang Diyos at hinding-hindi natin kayang unawain ang kanyang kadakilaan. Kahit ang kanyang mga taon ay hindi natin mabibilang.

27“Ang Diyos ang nagpapaakyat ng tubig mula sa lupa at ginagawa niyang ulan.

28Bumubuhos ang ulan mula sa ulap at ang lahat ng taoʼy nakikinabang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.