Job 36

Walang nakakaalam kung paano kumakalat ang ulap, at kung paano kumukulog sa langit kung saan nananahan ang Diyos.

Job 36:29 (UKJV) Also can any understand the spreadings of the clouds, or the noise of his tabernacle?

27“Ang Diyos ang nagpapaakyat ng tubig mula sa lupa at ginagawa niyang ulan.

28Bumubuhos ang ulan mula sa ulap at ang lahat ng taoʼy nakikinabang.

29Walang nakakaalam kung paano kumakalat ang ulap, at kung paano kumukulog sa langit kung saan nananahan ang Diyos.

30Masdan mo kung paano niya pinakikidlat sa kanyang paligid, at kung paano nito pinaliliwanag hanggang sa dulo ng dagat.

31Ganito niya kinakalinga ang mga bansa, binibigyan niya sila ng pagkaing sagana.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.