Job 42

Ang panganay niyang babae ay si Jemima, ang pangalawa ay si Kezia, at ang pangatlo ay si Keren Hapuc.

Job 42:14 (UKJV) And he called the name of the first, Jemima; and the name of the second, Kezia; and the name of the third, Kerenhappuch.

12Sa gayoʼy lalong pinagpala ng Panginoon ang mga huling araw ni Job ng higit pa kaysa sa dati. Binigyan siya ng Panginoon ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isanlibong pares ng baka, at isanlibong babaeng asno.

13Binigyan din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.

14Ang panganay niyang babae ay si Jemima, ang pangalawa ay si Kezia, at ang pangatlo ay si Keren Hapuc.

15Walang babaeng mas gaganda pa kaysa sa kanila sa buong lupain. Binigyan sila ni Job ng mana katulad ng kanilang mga kapatid na lalaki.

16Pagkatapos nitoʼy nabuhay pa si Job ng 140 taon. Nakita pa niya ang kanyang mga apo hanggang sa ikaapat na salinlahi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.