Job 8

Nagkasala ang iyong mga anak laban sa Diyos kaya nararapat lamang ang natanggap nilang kaparusahan.

Job 8:4 (UKJV) If your children have sinned against him, and he have cast them away for their transgression;

2“Hanggang kailan ka magsasalita nang ganyan? Nag-iingay ka lang at walang kabuluhan ang mga sinasabi mo.

3Hindi maaaring pilipitin ng Diyos na Makapangyarihan ang katarungan o baluktutin ang katuwiran.

4Nagkasala ang iyong mga anak laban sa Diyos kaya nararapat lamang ang natanggap nilang kaparusahan.

5Ngunit kung lalapit ka sa Diyos na Makapangyarihan, at magmamakaawa sa kanya,

6at mamumuhay nang malinis at matuwid, kahit ngayon ay agad ka niyang tutulungan at ibabalik sa mabuting kalagayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.