4Marunong at makapangyarihan ang Diyos. Sino ang nakipaglaban sa kanya at nagtagumpay?
5Walang ano-anoʼy pinauuga niya ang mga bundok at natitibag ito sa tindi ng kanyang galit.
6Niyayanig niya ang lupa at ang mga pundasyon nito ay nauuga.
7Kapag inutusan niya ang araw o ang mga bituin, hindi ito sisikat o magbibigay ng liwanag.
8Tanging siya lamang ang nakapaglalatag ng langit at nakapagpapatigil ng alon.