3Kahit na makipagtalo pa siya sa Diyos sa hukuman, wala siyang magagawa, dahil sa isang libong katanungan ng Diyos, hindi niya masasagot isa man sa mga ito.
4Marunong at makapangyarihan ang Diyos. Sino ang nakipaglaban sa kanya at nagtagumpay?
5Walang ano-anoʼy pinauuga niya ang mga bundok at natitibag ito sa tindi ng kanyang galit.
6Niyayanig niya ang lupa at ang mga pundasyon nito ay nauuga.
7Kapag inutusan niya ang araw o ang mga bituin, hindi ito sisikat o magbibigay ng liwanag.