26Dumadaan itong kasimbilis ng isang bangkang gawa sa tambo o ng agilang dumadagit ng pagkain.
27Kahit tumigil na ako sa pagdaing at pagdadalamhati at akoʼy ngumiti na,
28nananaig pa rin sa akin ang takot sa mga paghihirap na maaaring dumating sa akin. Dahil alam kong hindi niya ako ituturing na walang kasalanan.
29Yaman din lamang na itinuring na niya akong may kasalanan, wala nang halaga na ipagtanggol ko pa ang aking sarili.
30Kahit hugasan ko pa ng sabon ang aking buong katawan, at lagyan ng pulbos na panlinis ang aking mga kamay