22Datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, ngunit ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, ngunit ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig.
23Ang mga pinuno moʼy mga suwail at kasabwat ng mga magnanakaw. Gusto nila palagi ng suhol, at nanghihingi ng mga regalo. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga ulila at hindi rin nila pinapakinggan ang daing ng mga biyuda.
24Kaya sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos na Makapangyarihan ng Israel, “Ipapatikim ko sa aking mga kaaway ang aking poot ipararanas ko sa kanila ang aking paghihiganti.
25Parurusahan ko kayo upang magbago kayo, katulad ng pilak na dinadalisay sa apoy.
26Muli ko kayong bibigyan ng mga pinuno at mga tagapayo, katulad noong una. At ang inyong lungsod ay tatawaging lungsod ng mga matuwid at tapat na mga tao.”