Isaias 11

Itataas niya ang isang bandila upang tipunin ang mga nabihag na mga Israelita. Pauuwiin niya ang mga nakakalat na mamamayan ng Juda mula sa ibaʼt ibang dako ng mundo.

Isaiah 11:12 (UKJV) And he shall set up an explicit sign for the nations, and shall assemble the outcasts of Israel, and gather together the dispersed of Judah from the four corners of the earth.

10Darating ang araw na ang tagapagmana ng trono ni David ang magsisilbing hudyat sa mga bansa. Darating sila upang humingi ng patnubay sa kanya at ang lugar na tinitirhan niya ay magiging tanyag.

11Sa araw na iyon, muling kikilos ang Panginoon upang ibalik ang kanyang mga natitirang mamamayan na dinalang bihag sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Babilonia, Hamat at sa iba pang malalayong lugar.

12Itataas niya ang isang bandila upang tipunin ang mga nabihag na mga Israelita. Pauuwiin niya ang mga nakakalat na mamamayan ng Juda mula sa ibaʼt ibang dako ng mundo.

13Mawawala na ang inggit ng Israel sa Juda at ang galit ng Juda sa Israel.

14Magkasama silang lulusob sa mga Filisteo sa kanluran, sasamsamin nila ang yaman ng mga tao sa silangan. Ang Edom at Moab ay kanilang sasakupin, at ang mga Amonita ay magpapasakop din.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.