Isaias 13

Nanggaling sila sa malalayong lugar, mula sa dulo ng daigdig. Ang Panginoon at ang mga sandata niya ay parating upang wasakin ang buong lupain.

Isaiah 13:5 (UKJV) They come from a far country, from the end of heaven, even the LORD, and the weapons of his indignation, to destroy the whole land.

3Inutusan ko na ang mga itinalaga kong sundalo na magpaparusa sa mga taong kinapopootan ko. Ang mga sundalo na itoʼy natutuwa at umaasang isasagawa ko ang parusang ito.

4Pakinggan nʼyo ang ingay sa mga bundok na tulad ng napakaraming tao! Pakinggan nʼyo ang ingay ng mga kaharian na tulad ng mga bansang nagtitipon. Tinitipon ng Panginoon ng mga Hukbo ang mga sundalo para sa digmaan.

5Nanggaling sila sa malalayong lugar, mula sa dulo ng daigdig. Ang Panginoon at ang mga sandata niya ay parating upang wasakin ang buong lupain.

6Tumangis kayo, dahil malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon, ang araw ng pagwawasak ng Diyos na Makapangyarihan.

7Sa araw na iyon, manlulupaypay ang lahat ng tao. Ang bawat pusoʼy masisiraan ng loob,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.