Isaias 14

Tutulungan ng ibang bansa ang Israel para makabalik sila sa lupaing ibinigay sa kanila. Ngunit sasakupin sila ng Israel at magiging alipin silang mga dayuhan sa lupain ng Panginoon Bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila noon, at sasakupin nila ang mga umapi sa kanila.

Isaiah 14:2 (UKJV) And the people shall take them, and bring them to their place: and the house of Israel shall possess them in the land of the LORD for servants and handmaids: and they shall take them captives, whose captives they were; and they shall rule over their oppressors.

1Kaaawaan ng Panginoon muli ang sambahayan ni Jacob at muling pipiliin ang bayang Israel. Muli niyang patitirahin ang mga ito sa sarili nilang lupain. Mayroon ding mga dayuhang makikisama sa kanila at maninirahang kasama ang mga lahi ni Jacob.

2Tutulungan ng ibang bansa ang Israel para makabalik sila sa lupaing ibinigay sa kanila. Ngunit sasakupin sila ng Israel at magiging alipin silang mga dayuhan sa lupain ng Panginoon Bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila noon, at sasakupin nila ang mga umapi sa kanila.

3Sa araw na kayoʼy bibigyan ng ginhawa ng Panginoon sa inyong mga paghihirap, pagkabagabag, at mabigat na gawaing dahil sa inyong pagkaalipin,

4kukutyain ninyo ng ganito ang hari ng Babilonia: Ang mapang-aping hari ay bumagsak na! Tumigil na ang kanyang pang-aalipusta!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.