Isaias 18

Mula sa lugar na ito ay may mga sugong nakasakay sa mga bangkang yari sa tambo at dumadaan sa Ilog Nilo. Humayo kayo, mabibilis na sugo, Dalhin ninyo ang mensahe sa mga mamamayang matatangkad at makikinis ang balat, sa mga taong kinatatakutan kahit saan, dahil sa kanilang pananakop at paninira, at nakatira sa lupaing dinadaanan ng mga ilog.

Isaiah 18:2 (UKJV) That sends ambassadors by the sea, even in vessels of bulrushes upon the waters, saying, Go, all of you swift messengers, to a nation scattered and peeled, to a people terrible from their beginning until now; a nation meted out and trodden down, whose land the rivers have spoiled!

1Nakakaawa ang mga lugar malapit sa mga ilog ng Etiopia, na may mga pagaspas ng pakpak ng mga kulisap na naririnig.

2Mula sa lugar na ito ay may mga sugong nakasakay sa mga bangkang yari sa tambo at dumadaan sa Ilog Nilo. Humayo kayo, mabibilis na sugo, Dalhin ninyo ang mensahe sa mga mamamayang matatangkad at makikinis ang balat, sa mga taong kinatatakutan kahit saan, dahil sa kanilang pananakop at paninira, at nakatira sa lupaing dinadaanan ng mga ilog.

3Kayong lahat ng naninirahan sa mundo, at naninirahan sa lupa, abangan ninyo ang pagtaas ng bandila sa ibabaw ng bundok, at pakinggan ninyo ang tunog ng trumpeta.

4Sapagkat ito ang sinabi sa akin ng Panginoon, “Mula sa aking luklukan, panatag akong nagmamasid na parang nagniningning na araw sa tanghaling tapat, at parang namumuong ambon sa maalinsangang gabi sa panahon ng anihan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.