Isaias 28

Sapagkat kayoʼy matutulad sa taong maiksi ang higaan at makitid ang kumot.

Isaiah 28:20 (UKJV) For the bed is shorter than that a man can stretch himself on it: and the covering narrower than that he can wrap himself in it.

18Magiging walang kabuluhan ang pakikipagkasundo ninyo sa kamatayan at ang pakikipagkasundo ninyo sa lugar ng mga patay. Sapagkat mapapahamak kayo kapag dumating na ang mga sakuna na parang baha.

19Palagi itong darating sa inyo, araw-araw, sa umaga at sa gabi, at tiyak na mapapahamak kayo.” Matatakot kayo kapag naunawaan ninyo ang mensaheng ito.

20Sapagkat kayoʼy matutulad sa taong maiksi ang higaan at makitid ang kumot.

21Ang totoo, sasalakay ang Panginoon katulad ng ginawa niya sa Bundok ng Perazim at sa Lambak ng Gibeon. Gagawin niya ang hindi inaasahan ng kanyang mga mamamayan.

22Kaya ngayon, huwag na kayong mangutya, baka dagdagan pa niya ang parusa niya sa inyo. Sapagkat napakinggan ko mismo ang utos ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan na wawasakin niya ang inyong buong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.