Isaias 29

Kaya ang Panginoon, ang Diyos na nagligtas kay Abraham ay nagsabi tungkol sa lahi ni Jacob, “Mula ngayon ang bayang ito ay wala nang dapat ikahiya o ikatakot man.

Isaiah 29:22 (UKJV) Therefore thus says the LORD, who redeemed Abraham, concerning the house of Jacob, Jacob shall not now be ashamed, neither shall his face now wax pale.

20Sapagkat mawawala ang mga malulupit at ang mga nangungutya. At mamamatay ang lahat ng mahilig sa pagkakasala,

21pati na ang lahat ng naninira ng kapwa, ang mga nagsisinungaling para mapaniwala nila ang mga hukom, at ang mga pekeng saksi upang hindi mabigyan ng katarungan ang mga walang kasalanan.

22Kaya ang Panginoon, ang Diyos na nagligtas kay Abraham ay nagsabi tungkol sa lahi ni Jacob, “Mula ngayon ang bayang ito ay wala nang dapat ikahiya o ikatakot man.

23Sapagkat kapag nakita nila ang mga ginawa ko sa kanila, igagalang nila ako, ang Banal na Diyos ni Jacob. At magkakaroon sila ng takot sa Diyos ng Israel.

24Ang mga hindi nakakaunawa ng katotohanan ay makakaunawa na, at ang mga nagrereklamo kapag tinuturuan ay matutuwa na.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.