Isaias 30

Sa banta ng isa, isang libong sundalo ang makakatakas sa inyo. Sa banta ng lima, makakatakas kayong lahat. Matutulad kayo sa nakatayong bandila na nag-iisa sa tuktok ng bundok.”

Isaiah 30:17 (UKJV) One thousand shall flee at the rebuke of one; at the rebuke of five shall all of you flee: till all of you be left as a beacon upon the top of a mountain, and as an explicit sign on an hill.

15Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel, “Magbalik-loob kayo sa akin at pumanatag, dahil ililigtas ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa akin, dahil palalakasin ko kayo. Ngunit tumanggi kayo

16at sinabi ninyo, ‘Hindi! Makakatakas kami sakay ng aming kabayo.’ Oo, makakatakas nga kayo! Dagdag pa ninyo, ‘Sasakay kami sa mabibilis naming kabayo.’ Kaya mabibilis din ang mga hahabol sa inyo.

17Sa banta ng isa, isang libong sundalo ang makakatakas sa inyo. Sa banta ng lima, makakatakas kayong lahat. Matutulad kayo sa nakatayong bandila na nag-iisa sa tuktok ng bundok.”

18Ngunit naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya kayo. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Diyos na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.

19Kayong mga taga-Zion, na mga mamamayan ng Jerusalem, hindi na kayo muling iiyak! Kaaawaan kayo ng Panginoon kung hihingi kayo ng tulong sa kanya. Kapag narinig niya ang inyong panalangin, sasagutin niya kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.