Isaias 30

Ituring na ninyong marumi ang inyong mga diyos-diyosang gawa sa pilak at ginto. Itapon nʼyo na parang napakaruming basahan at sabihin, “Ayaw ko nang makita kayo!”

Isaiah 30:22 (UKJV) All of you shall defile also the covering of your graven images of silver, and the ornament of your molten images of gold: you shall cast them away as a menstruous cloth; you shall say unto it, Get you behind.

20Para kayong pinakain at pinainom ng Panginoon ng kapighatian at paghihirap. Ngunit kahit na ginawa niya ito sa inyo, siya, na guro ninyo ay hindi magtatago sa inyo. Makikita ninyo siya,

21at maririnig ninyo ang kanyang tinig na magtuturo sa inyo ng tamang daan, saan man kayo naroroon.

22Ituring na ninyong marumi ang inyong mga diyos-diyosang gawa sa pilak at ginto. Itapon nʼyo na parang napakaruming basahan at sabihin, “Ayaw ko nang makita kayo!”

23Bibigyan kayo ng Panginoon ng ulan sa panahon ng pagtatanim, at magiging sagana ang inyong ani. At ang inyong mga hayop ay manginginain sa malawak na pastulan.

24Ang mga baka ninyo at asnong pang-araro ay kakain ng pinakamainam na pagkain ng hayop na maayos na natahipan para mahiwalay ang ipa gamit ang kalaykay at pala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.