Isaias 30

Ito ang pahayag ng Diyos tungkol sa mga hayop sa Negeb: Nilakbay ng mga taga-Juda ang ilang na mahirap lakbayin kung saan may mga leon, mga ulupong at lumilipad na mga makamandag na ahas. Ikinakarga nila ang kanilang mga kayamanan sa mga asno at mga kamelyo, para ihandog sa bansang hindi man lang makatulong sa kanila.

Isaiah 30:6 (UKJV) The burden of the beasts of the south: into the land of trouble and anguish, from whence come the young and old lion, the viper and fiery flying serpent, they will carry their riches upon the shoulders of young asses, and their treasures upon the bunches of camels, to a people that shall not profit them.

4Sapagkat kahit na may mga namumunong opisyal ng Faraon sa Zoan at nakarating ang mensahero niya hanggang sa Hanes,

5mapapahiya lang ang Juda dahil sa mga taga-Ehiptong walang pakinabang at wala namang maitutulong sa kanila, sa halip, kabiguan at kahihiyan ang matatamo nila.”

6Ito ang pahayag ng Diyos tungkol sa mga hayop sa Negeb: Nilakbay ng mga taga-Juda ang ilang na mahirap lakbayin kung saan may mga leon, mga ulupong at lumilipad na mga makamandag na ahas. Ikinakarga nila ang kanilang mga kayamanan sa mga asno at mga kamelyo, para ihandog sa bansang hindi man lang makatulong sa kanila.

7Ang bansang iyon ay ang Ehipto, na ang tulong ay walang silbi. Kaya tinatawag ko itong “Dragon na Inutil.”

8“Halika, iukit mo sa tapyas na bato, isulat mo sa aklat, upang sa darating na panahon ay magsisilbi itong saksi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.