Isaias 37

“Ito ang magiging tanda para sa iyo, Ezequias: Sa taóng ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo. At sa susunod na taon, ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa mga dating tanim lang ang kakainin ninyo. Ngunit sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo ng trigo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito.

Isaiah 37:30 (UKJV) And this shall be a sign unto you, All of you shall eat this year such as grows of itself; and the second year that which springs of the same: and in the third year sow all of you, and reap, and plant vineyards, and eat the fruit thereof.

28“Ngunit alam ko ang lahat tungkol sa iyo, kung saan ka nananatili, kung saan ka galing, kung saan ka pupunta, at kung gaano katindi ang galit mo sa akin.

29Dahil narinig ko ang galit mo at ang pagmamayabang sa akin, lalagyan ko ng kawit ang ilong mo, at bubusalan ko ang bibig mo, at hihilahin ka pabalik sa iyong pinagmulan, sa daan na iyong tinahak.

30“Ito ang magiging tanda para sa iyo, Ezequias: Sa taóng ito, ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumutubo lang ang kakainin ninyo. At sa susunod na taon, ang mga bunga naman ng mga tanim na tumubo mula sa mga dating tanim lang ang kakainin ninyo. Ngunit sa ikatlong taon, makakapagtanim na kayo ng trigo at makakaani. Makakapagtanim na rin kayo ng mga ubas at makakakain ng mga bunga nito.

31At ang mga natirang buháy sa Juda ay muling uunlad, katulad ng tanim na nagkakaugat ng malalim at namumunga.

32Sapagkat may mga matitirang buháy na kakalat mula sa Jerusalem sa Bundok ng Zion. Sa kagustuhan ng Panginoon ng mga Hukbo tiyak na itoʼy magaganap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.