Isaias 38

Sinabi niya, “Panginoon, alalahanin po ninyo kung papaano ako namuhay nang tapat at buong pusong naglingkod sa inyo at kung papaano ako gumawa ng mabuti sa paningin ninyo.” At umiyak si Ezequias ng husto.

Isaiah 38:3 (UKJV) And said, Remember now, O LORD, I plead to you, how I have walked before you in truth and with a perfect heart, and have done that which is good in your sight. And Hezekiah wept sore.

1Nang panahong iyon, nagkasakit si Ezequias na halos ikamatay niya. Pumunta sa kanya si Propeta Isaias na anak ni Amoz at sinabi, “Sinabi ng Panginoon na magbilin ka na sa sambahayan mo dahil hindi ka na gagaling, mamamatay ka na.”

2Nang marinig ito ni Ezequias, humarap siya sa dingding at nanalangin sa Panginoon.

3Sinabi niya, “Panginoon, alalahanin po ninyo kung papaano ako namuhay nang tapat at buong pusong naglingkod sa inyo at kung papaano ako gumawa ng mabuti sa paningin ninyo.” At umiyak si Ezequias ng husto.

4Sinabi ng Panginoon kay Isaias

5na bumalik siya kay Ezequias at sabihin ito: “Sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng iyong ninunong si David: Narinig ko ang iyong dalangin at nakita ko ang mga luha mo. Dadagdagan ko pa ng labinlimang taon ang buhay mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.