4Nagtanong pa ang propeta, “Ano ang nakita nila sa palasyo mo?” Sumagot si Ezequias, “Nakita nila ang lahat ng bagay sa palasyo ko. Walang kahit isa sa mga kayamanan ko ang hindi ko ipinakita sa kanila.”
5Pagkatapos, sinabi ni Isaias kay Ezequias, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon ng mga Hukbo:
6Darating ang panahon na dadalhin sa Babilonia ang lahat ng kayamanan sa palasyo mo, pati ang lahat ng naipon ng mga ninuno mo na nariyan pa hanggang ngayon. Walang matitira, sabi ng Panginoon.
7At ang iba sa mga susunod na lahi mo ay bibihagin at magiging mga lingkod sa palasyo ng hari ng Babilonia.”
8Ang akala ni Ezequias ay hindi iyon mangyayari sa panahon niya, kundi magiging mapayapa at walang panganib ang kanyang buhay. Kaya sinabi niya kay Isaias, “Mapagkakatiwalaan ang mensahe ng Panginoon na sinabi mo sa akin.”