Isaias 48

Hindi sila nauhaw nang patnubayan sila ng Diyos sa ilang, dahil pinaagos niya ang tubig mula sa bato para sa kanila. Biniyak niya ang bato at umagos ang tubig.

Isaiah 48:21 (UKJV) And they thirsted not when he led them through the deserts: he caused the waters to flow out of the rock for them: he clave the rock also, and the waters gushed out.

19Ang inyo sanang mga lahi ay naging kasindami ng buhangin na hindi mabilang, at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”

20Lisanin ninyo ang Babilonia! Malaya na kayo sa inyong pagkakabihag. Buong galak ninyong ihayag sa buong mundo na iniligtas ng Panginoon ang kanyang lingkod, ang mga mamamayan ng Israel.

21Hindi sila nauhaw nang patnubayan sila ng Diyos sa ilang, dahil pinaagos niya ang tubig mula sa bato para sa kanila. Biniyak niya ang bato at umagos ang tubig.

22“Ngunit ang masasama ay hindi magkakaroon ng kapayapaan,” wika ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.