Isaias 50

Ito ang sinabi ng Panginoon, “Ang Jerusalem baʼy itinakwil ko gaya ng lalaking humiwalay sa kanyang asawa? Patunayan ninyo! Ipinabihag ko na ba kayo tulad ng isang taong ipinagbili bilang alipin ang kanyang mga anak sa pinagkakautangan niya, upang ipambayad sa utang? Hindi! Kayo ay ipinagbili dahil sa inyong mga kasalanan. Itinakwil ang Jerusalem dahil sa inyong mga pagsuway.

Isaiah 50:1 (UKJV) Thus says the LORD, Where is the bill of your mother's divorcement, whom I have put away? or which of my creditors is it to whom I have sold you? Behold, for your iniquities have all of you sold yourselves, and for your transgressions is your mother put away.

1Ito ang sinabi ng Panginoon, “Ang Jerusalem baʼy itinakwil ko gaya ng lalaking humiwalay sa kanyang asawa? Patunayan ninyo! Ipinabihag ko na ba kayo tulad ng isang taong ipinagbili bilang alipin ang kanyang mga anak sa pinagkakautangan niya, upang ipambayad sa utang? Hindi! Kayo ay ipinagbili dahil sa inyong mga kasalanan. Itinakwil ang Jerusalem dahil sa inyong mga pagsuway.

2Bakit hindi ninyo ako pinansin noong dumating ako? Bakit hindi kayo sumagot noong tinawag ko kayo? Hindi ko ba kayo kayang iligtas? Kaya ko ngang patuyuin ang dagat sa isang salita lang. At kaya kong gawing disyerto ang ilog para mamatay ang mga isda roon.

3At kaya ko ring padilimin na kasing-itim ng damit na panluksa ang langit.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.