Isaias 50

Tinuruan ako ng Makapangyarihang Panginoon kung ano ang sasabihin ko para mapalakas ang mga nanlulupaypay. Ginigising niya ako tuwing umaga upang pakinggan ang mga itinuturo niya sa akin.

Isaiah 50:4 (UKJV) The Lord GOD has given me the tongue of the learned, that I should know how to speak a word in season to him that is weary: he wakens morning by morning, he wakens mine ear to hear as the learned.

2Bakit hindi ninyo ako pinansin noong dumating ako? Bakit hindi kayo sumagot noong tinawag ko kayo? Hindi ko ba kayo kayang iligtas? Kaya ko ngang patuyuin ang dagat sa isang salita lang. At kaya kong gawing disyerto ang ilog para mamatay ang mga isda roon.

3At kaya ko ring padilimin na kasing-itim ng damit na panluksa ang langit.”

4Tinuruan ako ng Makapangyarihang Panginoon kung ano ang sasabihin ko para mapalakas ang mga nanlulupaypay. Ginigising niya ako tuwing umaga upang pakinggan ang mga itinuturo niya sa akin.

5Nagsalita sa akin ang Makapangyarihang Panginoon at akoʼy nakinig. Hindi ako sumuway o tumakas man sa kanya.

6Iniumang ko ang aking likod sa mga bumugbog sa akin, at ang aking mukha sa mga bumunot ng aking balbas. Pinabayaan ko silang hiyain ako at duraan ang aking mukha.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.