Isaias 50

Ngunit hindi ako nakadama ng hiya, dahil tinulungan ako ng Makapangyarihang Panginoon. Kaya nagmatigas ako na parang batong buháy dahil alam kong hindi ako mapapahiya.

Isaiah 50:7 (UKJV) For the Lord GOD will help me; therefore shall I not be confounded: therefore have I set my face like a flint, and I know that I shall not be ashamed.

5Nagsalita sa akin ang Makapangyarihang Panginoon at akoʼy nakinig. Hindi ako sumuway o tumakas man sa kanya.

6Iniumang ko ang aking likod sa mga bumugbog sa akin, at ang aking mukha sa mga bumunot ng aking balbas. Pinabayaan ko silang hiyain ako at duraan ang aking mukha.

7Ngunit hindi ako nakadama ng hiya, dahil tinulungan ako ng Makapangyarihang Panginoon. Kaya nagmatigas ako na parang batong buháy dahil alam kong hindi ako mapapahiya.

8Malapit sa akin ang Diyos na nagsasabing wala akong kasalanan. Sino ang maghahabla sa akin? Lumabas siya at harapin ako!

9Makinig kayo! Ang Makapangyarihang Panginoon ang tutulong sa akin. Sino ang makapagsasabing nagkasala ako? Matutulad sila sa damit na mabubulok at ngangatngatin ng mga kulisap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.