Isaias 52

Marami ang nasindak sa kanya, dahil sirang-sira ang kanyang mukha na parang hindi na mukha ng tao; ang hitsura niyaʼy napinsala ng todo.

Isaiah 52:14 (UKJV) As many were astonished at you; his visage was so ruined more than any man, and his form more than the sons of men:

12Ngunit ngayon, hindi nʼyo na kailangang magmadali sa pag-alis, na para bang tumatakas. Sapagkat ang Panginoon ang mangunguna sa inyo. Ang Diyos ng Israel ang magtatanggol sa inyo.

13Sinabi ng Panginoon, “Ang aking lingkod ay magtatagumpay. Magiging tanyag siya at pararangalan.

14Marami ang nasindak sa kanya, dahil sirang-sira ang kanyang mukha na parang hindi na mukha ng tao; ang hitsura niyaʼy napinsala ng todo.

15Pati ang mga bansa ay mamamangha sa kanya. Ang mga hari ay hindi makakaimik dahil sa kanya, sapagkat makikita nila ang mga bagay na hindi pa nasasabi sa kanila. At mauunawaan nila ang mga bagay na hindi pa nila naririnig.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.