8Hinuli siya, hinatulan, at pinatay. Walang nakaisip, isa man sa mga salinlahi niya, na pinatay siya dahil sa kanilang mga kasalanan, at kinitil nang maaga ang kanyang buhay, at tiniis niya ang parusang dapat sana ay para sa kanila.
9Kahit na wala siyang ginawang kasalanan at anumang pandaraya, inilibing siyang parang isang kriminal; inilibing siyang kasama ng mga mayayaman.
10Ngunit niloob ng Panginoon na siyaʼy durugin at pahirapan. Kahit na ang kanyang buhay ay ginawang handog ng Panginoon para sa kapatawaran ng kasalanan, makikita niya ang pagpapatuloy ng kanyang lahi at matatamasa niya ang mahabang buhay. At sa pamamagitan niya ay matutupad ang kalooban ng Panginoon.
11Kapag matapos na ang kanyang paghihirap, makikita niya ang liwanag at masisiyahan siya. Dahil sa karunungan ng aking matuwid na lingkod, marami ang ituturing na matuwid, at siya ang papasan sa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan.
12Dahil dito, pararangalan ko siya katulad ng mga taong tanyag at makapangyarihan dahil ibinigay niya ang buhay niya. Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan. Nagdusa siya para sa maraming makasalanan at hiniling pa niya sa Diyos na silaʼy patawarin.