Isaias 54

“Umawit ka, babaeng baog, ikaw na hindi makapagluwal ng sanggol. Umawit ka at sumigaw sa tuwa, ikaw na hindi nakaranas ng hirap sa panganganak. Sapagkat kahit na iniwan ka ng iyong asawa, mas marami ang iyong magiging anak kaysa sa babaeng kapiling ang asawa,” sabi ng Panginoon.

Isaiah 54:1 (UKJV) Sing, O barren, you that did not bear; break forth into singing, and cry aloud, you that did not travail with child: for more are the children of the desolate than the children of the married wife, says the LORD.

1“Umawit ka, babaeng baog, ikaw na hindi makapagluwal ng sanggol. Umawit ka at sumigaw sa tuwa, ikaw na hindi nakaranas ng hirap sa panganganak. Sapagkat kahit na iniwan ka ng iyong asawa, mas marami ang iyong magiging anak kaysa sa babaeng kapiling ang asawa,” sabi ng Panginoon.

2Palawakin mo ang lugar ng iyong tolda, at iunat nang malapad ang iyong mga kurtina. Huwag mong liliitan. Pahabain mo ang iyong mga lubid at pagtibayin ang mga tulos.

3Sapagkat lalawak ang iyong hangganan, sasakupin ng iyong mga lahi ang ibang mga bansa, at kanilang titirhan ang mga naiwang lungsod doon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.