Isaias 57

“Sino ba itong mga diyos-diyosan na kinatatakutan ninyo at nagsinungaling kayo sa akin? Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin. Ano ba ang dahilan, bakit hindi nʼyo na ako iginagalang? Dahil ba sa nanahimik ako sa loob ng mahabang panahon?

Isaiah 57:11 (UKJV) And of whom have you been afraid or feared, that you have lied, and have not remembered me, nor laid it to your heart? have not I held my peace even of old, and you fear me not?

9Pumunta kayo sa diyos-diyosan ninyong si Molec. Marami ang kayong dalang langis at pabango. Nagsugo pa kayo ng mga tao sa malayong lugar para maghanap ng mga diyos-diyosang sasambahin ninyo. Kahit na ang lugar ng mga patay ay parang pupuntahan nʼyo pa.

10At kahit pagod na kayo sa kakahanap ng mga diyos-diyosan, hindi pa rin kayo nawawalan ng pag-asa. Pilit ninyong pinalalakas ang inyong sarili kaya hindi kayo nanghihina.

11“Sino ba itong mga diyos-diyosan na kinatatakutan ninyo at nagsinungaling kayo sa akin? Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin. Ano ba ang dahilan, bakit hindi nʼyo na ako iginagalang? Dahil ba sa nanahimik ako sa loob ng mahabang panahon?

12Ang akala ninyoʼy matuwid ang inyong ginagawa, ngunit ilalantad ko kung anong klaseng tao kayo.

13Tingnan natin kung maililigtas ba kayo ng inyong mga diyos-diyosan kapag dumaing kayo at humingi ng tulong sa kanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.