Isaias 57

Ngunit kayong mga lahi ng mga mangkukulam, ng mga nangangalunya, at ng mga babaeng bayaran, lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan.

Isaiah 57:3 (UKJV) But draw near here, all of you sons of the sorceress, the seed of the adulterer and the whore.

1Ang taong matutuwid ay nagdurusaʼt namamatay; ngunit walang may pakialam; ang mga makadiyos ay namamatay nang maaga; subalit walang sinumang nakakaunawa na silaʼy inilalayo ng Diyos sa darating na masama.

2Sapagkat kapag namatay ang taong matuwid, magkakaroon na siya ng kapayapaan at kapahingahan.

3Ngunit kayong mga lahi ng mga mangkukulam, ng mga nangangalunya, at ng mga babaeng bayaran, lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan.

4Sino ba ang inyong kinukutya, na nagagawa pa ninyong ngumiwi-ngiwi at dumila-dila? Hindi baʼt kayo ay mga rebelde at sa mga sinungaling nagmula?

5Sinasamba ninyo ang inyong mga diyos-diyosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy na itinuturing ninyong banal. Inaalay ninyo ang inyong mga anak doon sa mga lambak; sa may mga matatalas na bato sa bangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.