Isaias 61

Sinugo rin niya ako para ipahayag na ngayon na ang panahon na ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan ang kanilang mga kaaway.

Isaiah 61:2 (UKJV) To proclaim the acceptable year of the LORD, and the day of vengeance of our God; to comfort all that mourn;

1Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoon ay sumasaakin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga dukha. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ipahayag sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.

2Sinugo rin niya ako para ipahayag na ngayon na ang panahon na ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan ang kanilang mga kaaway.

3Sinugo rin niya ako para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion, nang sa ganoon, sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa kanilang ulo bilang tanda ng kaligayahan. Silaʼy magiging parang matibay na puno na itinanim ng Panginoon. Kikilalanin silang mga taong matuwid sa ikakaluwalhati ng Panginoon.

4Muli nilang itatayo ang mga lugar na gumuho noong unang panahon, at aayusin ang mga lungsod na nawasak noon. Muli nilang bubuhayin ang mga ito, kahit na napakatagal na nitong gumuho.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.