Isaias 63

Sa maikling panahon, ang mga mamamayan ninyo ang may-ari ng inyong banal na lugar. At ngayon, giniba na ito ng aming mga kaaway.

Isaiah 63:18 (UKJV) The people of your holiness have possessed it but a little while: our adversaries have trodden down your sanctuary.

16Sapagkat kayo ang aming Ama, kahit na hindi kami kilalanin ni Abraham at ni Jacob na kanilang lahi. Totoo, Panginoon, kayo ang aming Ama, ang aming Tagapagligtas mula pa noon.

17Panginoon, bakit ninyo kami pinahintulutang mapalayo sa inyong mga pamamaraan? Bakit ninyo pinapatigas ang aming mga puso na nagbunga ng hindi namin paggalang sa inyo? Magbalik po kayo sa amin, dahil kami ay mga lingkod ninyo at lahing tanging sa inyo lamang.

18Sa maikling panahon, ang mga mamamayan ninyo ang may-ari ng inyong banal na lugar. At ngayon, giniba na ito ng aming mga kaaway.

19Kami ay inyo mula pa noon, ngunit itinuring nʼyo kaming hindi sa inyo, at parang hindi nʼyo pinamumunuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.