Isaias 63

Bakit napakapula ng kanyang damit, kasimpula ng damit ng taong nagpipisa ng ubas?

Isaiah 63:2 (UKJV) Wherefore are you red in yours apparel, and your garments like him that treads in the winepress?

1Sino itong dumarating mula sa Bosra na sakop ng Edom, na ang maganda niyang damit ay namantsahan ng pula? Dumarating siya na taglay ang kapangyarihan. Ako ang Panginoong nagpapahayag ng katarungan at may kapangyarihang magligtas sa inyo.

2Bakit napakapula ng kanyang damit, kasimpula ng damit ng taong nagpipisa ng ubas?

3“Sa aking galit, pinisa ko na parang ubas ang mga bansa. Mag-isa akong nagpisa; wala akong kasama. Ang dugo nila ay tumalsik sa aking damit; kaya namantsahan ang damit ko.

4Ginawa ko ito dahil dumating na ang araw ng aking paghihiganti sa aking mga kaaway at ililigtas ko ang aking mga mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.