1“Ipinakilala ko ang aking sarili sa mga taong hindi nagtatanong tungkol sa akin. Natagpuan nila ako kahit na hindi nila ako hinahanap. Ipinakilala ko ang aking sarili sa bansang hindi tumatawag sa akin. Sinabi ko sa kanila, ‘Narito ako, narito ako.’
2Patuloy kong iniaabot ang aking kamay sa mga mamamayan kong matitigas ang ulo, na lumalakad sa hindi mabuting daan at sinusunod lamang ang sarili nilang isipan.
3Buong araw nila akong iniinsulto nang harapan, sa pamamagitan ng pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan doon sa kanilang mga sagradong halamanan. Nagsusunog sila ng mga insenso doon sa altar ng mga pagano at nagsusunog ng mga insenso sa mga altar na bato.