Isaias 7

Sapagkat bago pa matuto ang batang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinakatakutan mo ay maiiwang nakatiwangwang.

Isaiah 7:16 (UKJV) For before the child shall know to refuse the evil, and choose the good, the land that you abhor shall be forsaken of both her kings.

14Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel.

15Keso at pulot ang kanyang kakainin kapag natuto na siyang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti.

16Sapagkat bago pa matuto ang batang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinakatakutan mo ay maiiwang nakatiwangwang.

17Ipaparanas ng Panginoon sa iyo, sa iyong bayan at pati na sa iyong angkan ang mga panahon na hindi pa ninyo nararanasan mula nang humiwalay ang Israel sa Juda. Ipapadala niya ang hari ng Asiria.”

18Sa araw na iyon, sisipol ang Panginoon para sa mga taga-Ehipto at Asiria. Darating ang mga taga-Ehipto na parang mga langaw mula sa malalayong ilog ng Ehipto. Darating din ang mga taga-Asiria na parang mga bubuyog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.