4Bago matutong magsalita ang bata ng ‘Tatay’ o ‘Nanay,’ ang kayamanan ng Damasco at ang mga sinamsam ng Samaria ay kukunin ng hari ng Asiria.”
5Sinabi pa ng Panginoon sa akin,
6“Dahil sa tinanggihan ng mga taong ito ang tubig ng Siloa na umaagos nang banayad, at natutuwa sila kay Haring Rezin at Haring Peka,
7ipapasalakay ko sila sa hari ng Asiria at ng kanyang hukbo; siya ay katulad ng malakas na Ilog ng Eufrates na bumabaha at umaapaw sa kanyang mga pampang.
8Parang baha siyang raragasa sa Juda, at aagos dito, dadaan siyang parang tubig, aabot hanggang leeg. Parang nakabuka ang kanyang pakpak na tatakip sa buong lupain. Ngunit kasama natin ang Diyos!”