3Kahit ang mga bakaʼy kilala ang nagmamay-ari sa kanila, at ang mga asnoʼy alam kung nasaan ang kanilang sabsaban ngunit ang aking bayang Israel ay hindi nakakakilala, ang aking mamamayan ay hindi nakakaunawa.”
4Kawawa ang makasalanang bansang ito, isang sambayanang punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.
5Bakit ninyo ninanais na maparusahan pa? Bakit patuloy kayong nagrerebelde? Ang inyong uloʼy puro sugat na at ang inyong pusoʼy nanghihina.
6Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.
7Ang inyong bansaʼy napabayaan; ang inyong mga lungsod ay sinunog na. Ang inyong mga pananim ay sinira ng mga dayuhan, nasaksihan mismo ng inyong mga mata. Wasak na wasak na ang inyong lupain at itoʼy hindi na mapapakinabangan.