4Kawawa ang makasalanang bansang ito, isang sambayanang punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.
5Bakit ninyo ninanais na maparusahan pa? Bakit patuloy kayong nagrerebelde? Ang inyong uloʼy puro sugat na at ang inyong pusoʼy nanghihina.
6Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.
7Ang inyong bansaʼy napabayaan; ang inyong mga lungsod ay sinunog na. Ang inyong mga pananim ay sinira ng mga dayuhan, nasaksihan mismo ng inyong mga mata. Wasak na wasak na ang inyong lupain at itoʼy hindi na mapapakinabangan.
8Walang natira kundi ang Jerusalem. Para itong silungan sa isang ubasan o isang kubol sa taniman ng mga pipino, at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway.