6Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.
7Ang inyong bansaʼy napabayaan; ang inyong mga lungsod ay sinunog na. Ang inyong mga pananim ay sinira ng mga dayuhan, nasaksihan mismo ng inyong mga mata. Wasak na wasak na ang inyong lupain at itoʼy hindi na mapapakinabangan.
8Walang natira kundi ang Jerusalem. Para itong silungan sa isang ubasan o isang kubol sa taniman ng mga pipino, at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway.
9Kung ang Panginoon ng mga Hukbo ay hindi nagtira ng ilan sa atin, natulad na sana tayo sa Sodoma at Gomora.
10Kayong mga pinuno at mga mamamayan ng Jerusalem na katulad ng mga taga-Sodoma at Gomora, pakinggan ninyo ang salita at kautusan ng Panginoon na ating Diyos.