Isaias 10

Winasak ko na ang Samaria at ang mga diyos-diyosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga diyos-diyosan nito.”

Isaiah 10:11 (UKJV) Shall I not, as I have done unto Samaria and her idols, so do to Jerusalem and her idols?

9Anong pagkakaiba ng Carquemis at Calno, ng Arpad at Hamat, at ng Damasco at Samaria? Silang lahat ay pare-pareho kong winasak.

10Nilupig ko ang mga kaharian ng mga diyos-diyosan, mga kahariang higit pa ang mga imahen kaysa sa Jerusalem at Samaria.

11Winasak ko na ang Samaria at ang mga diyos-diyosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga diyos-diyosan nito.”

12Ngunit ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki.

13Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro, ibinagsak ko ang mga nakaupo sa trono.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.