Isaias 10

Ngunit ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki.

Isaiah 10:12 (UKJV) Wherefore it shall come to pass, that when the Lord has performed his whole work upon mount Zion and on Jerusalem, I will punish the fruit of the stout heart of the king of Assyria, and the glory of his high looks.

10Nilupig ko ang mga kaharian ng mga diyos-diyosan, mga kahariang higit pa ang mga imahen kaysa sa Jerusalem at Samaria.

11Winasak ko na ang Samaria at ang mga diyos-diyosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga diyos-diyosan nito.”

12Ngunit ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki.

13Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro, ibinagsak ko ang mga nakaupo sa trono.

14Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nag-iipon lang ako ng mga itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.