Isaias 10

Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nag-iipon lang ako ng mga itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ”

Isaiah 10:14 (UKJV) And my hand has found as a nest the riches of the people: and as one gathers eggs that are left, have I gathered all the earth; and there was none that moved the wing, or opened the mouth, or peeped.

12Ngunit ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki.

13Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro, ibinagsak ko ang mga nakaupo sa trono.

14Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nag-iipon lang ako ng mga itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ”

15Maaari bang magmalaki ang palakol o ang lagare sa gumagamit sa kanya? Mabubuhat ba ng pamalo ang may hawak sa kanya?

16Kaya magpapadala ang Panginoon ng mga Hukbo ng sakit na magpapahina sa makikisig na sundalo nito, at lalamunin ng naglalagablab na apoy ang karangyaan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.