Isaias 10

Kaya magpapadala ang Panginoon ng mga Hukbo ng sakit na magpapahina sa makikisig na sundalo nito, at lalamunin ng naglalagablab na apoy ang karangyaan nito.

Isaiah 10:16 (UKJV) Therefore shall the Lord, the Lord of hosts, send among his fat ones leanness; and under his glory he shall kindle a burning like the burning of a fire.

14Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nag-iipon lang ako ng mga itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ”

15Maaari bang magmalaki ang palakol o ang lagare sa gumagamit sa kanya? Mabubuhat ba ng pamalo ang may hawak sa kanya?

16Kaya magpapadala ang Panginoon ng mga Hukbo ng sakit na magpapahina sa makikisig na sundalo nito, at lalamunin ng naglalagablab na apoy ang karangyaan nito.

17Ang Ilaw ng Israel ay magiging tulad ng apoy, ang Banal na Diyos ay magliliyab na susunog at tutupok sa mga dawag at matitinik nitong halaman sa loob ng isang araw lamang.

18Mawawasak nang tuluyan ang maririlag nitong kagubatan at masasaganang kabukiran, tulad ng maysakit na nanghihina ang katawan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.