Isaias 10

Mawawasak nang tuluyan ang maririlag nitong kagubatan at masasaganang kabukiran, tulad ng maysakit na nanghihina ang katawan.

Isaiah 10:18 (UKJV) And shall consume the glory of his forest, and of his fruitful field, both soul and body: and they shall be as when a standard-bearer faints.

16Kaya magpapadala ang Panginoon ng mga Hukbo ng sakit na magpapahina sa makikisig na sundalo nito, at lalamunin ng naglalagablab na apoy ang karangyaan nito.

17Ang Ilaw ng Israel ay magiging tulad ng apoy, ang Banal na Diyos ay magliliyab na susunog at tutupok sa mga dawag at matitinik nitong halaman sa loob ng isang araw lamang.

18Mawawasak nang tuluyan ang maririlag nitong kagubatan at masasaganang kabukiran, tulad ng maysakit na nanghihina ang katawan.

19Kakaunti lamang ang matitirang puno. Kahit ang batang paslit ay mabibilang ito.

20Sa araw na iyon, ang mga natitirang Israelita, ang mga nakatakas na lahi ni Jacob ay hindi na aasa sa Asiria na pumuksa sa kanila. Silaʼy magtitiwala na sa Panginoon, ang Nag-iisang Banal ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.