Isaias 10

Sa araw na iyon, ang mga natitirang Israelita, ang mga nakatakas na lahi ni Jacob ay hindi na aasa sa Asiria na pumuksa sa kanila. Silaʼy magtitiwala na sa Panginoon, ang Nag-iisang Banal ng Israel.

Isaiah 10:20 (UKJV) And it shall come to pass in that day, that the remnant of Israel, and such as are escaped of the house of Jacob, shall no more again stay upon him that stroke them; but shall stay upon the LORD, the Holy One of Israel, in truth.

18Mawawasak nang tuluyan ang maririlag nitong kagubatan at masasaganang kabukiran, tulad ng maysakit na nanghihina ang katawan.

19Kakaunti lamang ang matitirang puno. Kahit ang batang paslit ay mabibilang ito.

20Sa araw na iyon, ang mga natitirang Israelita, ang mga nakatakas na lahi ni Jacob ay hindi na aasa sa Asiria na pumuksa sa kanila. Silaʼy magtitiwala na sa Panginoon, ang Nag-iisang Banal ng Israel.

21Magbabalik-loob ang mga natitirang lahi ni Jacob sa Diyos na Makapangyarihan.

22Kahit na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat ang mga Israelita, iilan lang ang makakabalik. Nakatakda na ang parusang nararapat para sa buong Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.