Isaias 13

Magtaas kayo ng isang bandila roon sa tuktok ng burol na walang tanim. Pagkatapos, sumigaw kayo nang malakas sa mga sundalo at senyasan ninyo silang pasukin ang lungsod ng mga kilala at makapangyarihang

Isaiah 13:2 (UKJV) Lift all of you up a banner upon the high mountain, exalt the voice unto them, shake the hand, that they may go into the gates of the nobles.

1Ito ang pahayag tungkol sa Babilonia na ipinakita kay Isaias na anak ni Amoz:

2Magtaas kayo ng isang bandila roon sa tuktok ng burol na walang tanim. Pagkatapos, sumigaw kayo nang malakas sa mga sundalo at senyasan ninyo silang pasukin ang lungsod ng mga kilala at makapangyarihang

3Inutusan ko na ang mga itinalaga kong sundalo na magpaparusa sa mga taong kinapopootan ko. Ang mga sundalo na itoʼy natutuwa at umaasang isasagawa ko ang parusang ito.

4Pakinggan nʼyo ang ingay sa mga bundok na tulad ng napakaraming tao! Pakinggan nʼyo ang ingay ng mga kaharian na tulad ng mga bansang nagtitipon. Tinitipon ng Panginoon ng mga Hukbo ang mga sundalo para sa digmaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.