Isaias 13

at manginginig sa takot. Madadama nila ang labis na paghihirap katulad ng paghihirap ng isang babaeng nanganganak. Magtitinginan sila nang may matinding takot at mamumula ang kanilang mga mukha sa kahihiyan.

Isaiah 13:8 (UKJV) And they shall be afraid: pangs and sorrows shall take hold of them; they shall be in pain as a woman that labors: they shall be amazed one at another; their faces shall be as flames.

6Tumangis kayo, dahil malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon, ang araw ng pagwawasak ng Diyos na Makapangyarihan.

7Sa araw na iyon, manlulupaypay ang lahat ng tao. Ang bawat pusoʼy masisiraan ng loob,

8at manginginig sa takot. Madadama nila ang labis na paghihirap katulad ng paghihirap ng isang babaeng nanganganak. Magtitinginan sila nang may matinding takot at mamumula ang kanilang mga mukha sa kahihiyan.

9Makinig kayo! Darating na ang araw ng paghatol ng Panginoon, ang araw ng kalupitan at matinding galit. Wawasakin ang lupain hanggang sa hindi na matirhan, at ang mga makasalanang naroon ay lilipulin.

10Ang mga bituin at mga konstelasyon nila sa kalangitan ay hindi na magniningning. Ang sumisikat na araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi na magbibigay ng liwanag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.