Isaias 13

Ang mga bituin at mga konstelasyon nila sa kalangitan ay hindi na magniningning. Ang sumisikat na araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi na magbibigay ng liwanag.

Isaiah 13:10 (UKJV) For the stars of heaven and the constellations thereof shall not give their light: the sun shall be darkened in his going forth, and the moon shall not cause her light to shine.

8at manginginig sa takot. Madadama nila ang labis na paghihirap katulad ng paghihirap ng isang babaeng nanganganak. Magtitinginan sila nang may matinding takot at mamumula ang kanilang mga mukha sa kahihiyan.

9Makinig kayo! Darating na ang araw ng paghatol ng Panginoon, ang araw ng kalupitan at matinding galit. Wawasakin ang lupain hanggang sa hindi na matirhan, at ang mga makasalanang naroon ay lilipulin.

10Ang mga bituin at mga konstelasyon nila sa kalangitan ay hindi na magniningning. Ang sumisikat na araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi na magbibigay ng liwanag.

11Parurusahan ko ang mundo dahil sa kasamaan nito, at ang mga masasama dahil sa kanilang kasalanan. Wawakasan ko ang pagiging hambog ng mga mayayabang. Tatapakan ko ang angas ng mga taong malulupit.

12Gagawin kong mas kakaunti ang tao kaysa sa purong ginto, mas madalang pa kaysa sa ginto ng Ofir.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.